Ang mga gulay ay nagbibigay ng sustansiya at may kakayahang suportahan ang kabuhayan ng mga tao. Nagbibigay ito ng ibat - ibang kapaki- pakinabang na sustansiya katulad ng bitamina, mineral at antioxidants. Ngunit upang mapalaki ito, nangangailangan din ito ng mga sapat na sustansiya at mineral para matustusan ang pangangailangan ng mundo. Sa kabilang banda, sa pagpapatubo ng isang halaman, mas nagiging epektibo kung ito ay nilalagyan ng fertilizer. Ang paglalagay ng fertilizer sa lupa ang nagiging daan upang masuportahan ang pagpapatubo at pagpapalaki ng isang halaman. Ngunit sa panahon ngayon, chemical fertilizer ang mas ginagamit dahil kaya nitong mastimulate ang mabilis na paglaki habang inaalis ang mga importanteng organisms katulad ng bulate at bacteria. Sa halip, alternatibong fertilizer ay magagawa gamit ang mga by-products at biomass na galing sa problema ng waste management.
Ang ampalaya (Momordica charantia L.) ay isang masustansiyang gulay na matatagpuan sa Pilipinas. Isa itong kilalang herbal remedy na ginagamit para sa ibat ibang sakit. Ito rin ay may mapait na lasa na karamihan ay may gusto at iba naman ay hindi. Isa sa mga food waste na lagi nating nakikita ay ang bone meal. Ito ay isang secondary product na galing sa mga non - marketable na tissue ng mga hayop. Ayon sa isang pag - aaral (Jeng 2006), ito ay kinakitaan na puno ng sustansiya katulad ng Nitrogen (N), Phosphorus (P), Calcium (Ca) at organic matter. Ang ipil - ipil (Leucaena leucocephala) ay isa sa mga abundant na puno sa Pilipinas. Ang mga dahon nito ay isa sa mga most nutrient-dense plant protein source (Zamal 2009). Base sa pag - aaral ni (Hasan 2015), ang pinatuyong dahon nito ay magandang source ng nutrients katulad ng Nitrogen (N), Magnesium (Mg), Calcium (Ca), Phosphorus (P) at Potassium (K) na kinakailangan sa pagpapatubo ng halaman.
Sa kabuuan, sa kadahilanang kinakitaan ang bone meal at ipil - ipil ng mga sustansiya na mainam sa pagpapatubo ng isang halaman, ito ay gagamitin bilang mga alternatibong fertilizer para sa pagpapatubo ng ampalaya. Ang pag - aaral na ito ay may layuning malaman kung may pagkakaiba ba sa paggamit ng bone meal at ipil ipil fertilizer sa pagpapatubo ng ampalaya. Kasama na rin dito ang paghahambing ng ipil - ipil at bone meal.
References:
Hasan, M. K. (2015). Effect of Different doses of Ipil - ipil (Leucaena leucocephala) (LAM) de wit. tree green leaf biomass on rice yield and soil chemical properties. Research in Agriculture Livestock and Fisheries, p. 385 - 394.
Jeng, A. H. (2006, November). Meat and bone meal as nitrogen and phosphorus fertilizer to cereals and ryegrass. Retrieved from https://link.springer.com/: https://doi.org/10.1007/s10705-005-5170-y
Zamal, H. B. (2009). Estimation of growth and financial analysis through application of ipil ipil (Leucaena leucocephala) leaf meal as supplements to soybean and fish meal in the diet of juvenile mono sex tilapia (Oreochromis niloticus). International Aqua Feed, 36-42.


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento